- Home
- /
- Cyber Academy
- /
- Two-Factor Authentication
Two-Factor Authentication
Mga Layunin ng Aralin
- Matutunan kung ano ang Two-Factor Authentication (2FA).
- Alamin kung paano ito gamitin at kung bakit to mahalaga.
4 na bahagi ng episode
- 1.Panuorin ang 3 minutong animated video kasama ang mga bata. Ulitin kung kinakailangan.
- 2.Talakayin ang video sa mga bata gamit ang gabay sa paksang aralin.
- 3.Sagutin ng mga bata ang Kahoot quiz.
- 4.I-print ang takdang aralin ng mga bata.
STEP 1
Ano ang Two-Factor Authentication
STEP 2
Gabay sa Talakayan
Tulong sa pagturo ng aralin sa mga bata
Bakit kailangang panatilihing ligtas o “safe” ang iyong impormasyon online?
Anu-ano ang mga kataingan ng isang matibay o “strong” password?
Magbigay ng isang halimbawa ng matibay o “strong” password. (Tandaan: Huwag ibigay ang inyong tunay na password bilang halimbawa.)
Ano ang ibig sabihin ng 2FA?
Ang Two-Factor Authentication o 2FA ay ang pag-require ng dalawang paraan upang makapasok o maka-login sa iyong online account. Ito ay maaaring sa pamamagitan ng isang password AT isang special code o kadalasang tinatawag na “one-time PIN” (OTP). Ang special code/verification code na ito o OTP ay kadalasang natatanggap bilang text message o email. Kapag ikaw ay gumagamit ng 2FA, tinitiyak nito na ikaw ay ang tunay na may-ari ng account.
Sa makatuwid, kung sakaling malaman ng ibang tao ang iyong password at sinubukan nilang mag-login sa iyong account, hindi sila tuluyang makakapasok sa iyong account hanggat wala ang special code o OTP.
Saan makikita ang 2FA feature sa isang app o game?
Ito ay kadalasang makikita sa safety settings o security settings ng app, game, o device. Humingi ng tulong sa nakakatanda sa pag-setup nito.
Ano ang biometrics?
Ang biometrics ay ang paggamit ng natatanging bahagi ng iyong katawan sa pag-login sa isang app o device. Ang biometrics ay maaaring gamitin bilang 2FA.
Ang isang halimbawa nito ay ang “facial recognition” o ang pag-scan ng iyong mukha gamit ang iyong device. Sa paggamit nito, inii-scan ng device ang iyong mukha upang matiyak na ikaw ay ang tunay na may-ari ng account.
Isa pang halimbawa ng biometrics ay ang iyong fingerprint na “unique” o natatangi din sa bawat tao. Humingi ng gabay ng magulang o guardian sa pag-setup ng biometrics ng iyong device.
Anu-ano ang dalawang paraan upang maka-login sa iyong account?
Ang unang paraan ay ang paggmit ng password; pangalawa ay ang paggamit ng verification code/OTP na matatanggap bilang text message sa cellphone o sa email. Ang biometrics ay isa ring pamamaraan ng pagberipika ng tunay na may-ari ng account. (Facial recognition)
Sagutin ang pagsasanay
Takdang Aralin
Isang pagsasanay ng mga bata upang pagtibayin ang natutunan
Nagustuhan ba ninyo ang 2FA episode?
Nais naming malaman ang inyong saloobin. Layunin naming maibahagi ang Cyber Academy program sa mas maraming mga bata sa buong mundo. Kung inyong napanuod ang episode kasama ang mga bata sa bahay o sa paaralan, kayo’y nakatulong ng malaki sa pagkamit ang layuning ito. Maraming salamat!