- Home
- /
- Cyber Academy
- /
- Password
Password
Mga Layunin ng Aralin
- Maunawaan kung ano ba ang isang password at kung bakit ito mahalaga.
- Matutunan ang 3 kasanayan upang mapanatiling ligtas ang iyong mga password.
Mayroong 4 na bahagi para matapos ang episode!
- 1.Panuorin and 3-minutong animated video kasama ang mga bata. Ulitin kung kinakailangan.
- 2.Talakayin ang video sa mga bata gamit ang Gabay sa Talakayan.
- 3.Sagutin ng mga bata ang Kahoot quiz.
- 4.I-print ang takdang aralin ng mga bata.
Paano gumawa ng matibay o “strong” na password
Gabay sa Talakayan
Mahahalagang tanong at sagot na makatutulong sa pagtuturo sa mga bata.
Ano ang password?
Ito ay lihim na salita o mga grupo ng mga salita na ine-enter sa pagbukas ng app, game, website, o device.
Bakit kailangang gumamit ng matibay o “strong” na mga password?
Maaari bang gamitin ang iyong personal na impormasyon katulad ng pangalan, edad, paboritong atleta, at iba pa sa paggawa ng password?
Ano ang itsura ng isang matibay o "strong" na password?
- Maaari itong salita, grupo ng mga salita, o isang pangungusap.
- Mahaba ito na may malalaki at maliliit na letra, mga numero, at mga espesyal na karakter gaya ng !@#$%, at iba pa.
- Madali mong maalala ngunit mahirap mahulaan ng iba!
Mga halimbawa ng matibay o “strong” na password:
Mga password na mahina o “weak” | Mga password na matibay o “strong” |
---|---|
AngAsoKo | @ng#AsoKoy_MahiligsaTreats! |
Jennilyn25 | j3nniLyn$h0ps_onLIN3@night# |
Mobilelegends | m0bil3L3genDS41hour0nly |
thanks123 | A1way$aYthank.u |
disneyplus | watCHd1sney+Plu$ |
Saan maaaring itago ang iyong passwords kung sakaling malimutan mo ito?
- Maraming devices ang may “autofill passwords” – tinatanong nito kung nais mo bang maimbak ang iyong password para sa susunod na pag-log in.
- Ipaalam ito sa magulang o guardian na maaaring magtago nito para sayo. (Makatutulong ito sakaling makalimutan mo ang iyong mga password.)
- Maaaring gumamit ng isang Password Manager; sa pag-setup nito, humingi ng tulong sa mga nakatatanda. Makakatulong ito kung marami kang mga password. Ang Password Manager ay nag-iimbak at nagma-manage ng mga password para sa iyo.
- Isulat sa papel ang mga password at itago sa isang ligtas na lugar sa inyong bahay.
Ano ang maaaring mangyari kung ibinahagi mo ang iyong password sa ibang tao, gaya ng iyong mga kaibigan?
Maaari silang magpanggap bilang ikaw, gamitin ang iyong account, baguhin ang iyong profile at setting ng pagkapribado nito, o ‘di kaya’y magbahagi o magkomento sa online. Magmumukhang ikaw ang gumawa ng mga ito.
Nakalulungkot kapag nangyari ito at maaari ding makapanakit at makapahamak ng iba.
(Maaaring magbahagi ang ilang bata ng halimbawang karanasan mula rito.)
Ano ang tatlong kasanayan sa paggawa ng matibay o "strong" na password?
- Magkaroon ng iba’t ibang password sa bawat app o game na iyong ginagamit.
- Huwag itong ibahagi. (Maaaring lamang i-share ang password sa magulang o guardian.)
- Laging magpalit ng password.
Sagutin ang pagsasanay sa Kahoot!
Takdang-aralin
Makatutulong ang gawaing ito para lubos na masubukan ang kasanayang kanilang natutunan
Nagustuhan mo ba ang episode tungkol sa password?
Nais naming malaman ang inyong komento at saloobin. Layunin naming maibahagi ang programang Cyber Academy sa mas maraming bata sa buong mundo. Kung natapos mo ang episode na ito kasama ang mga bata sa inyong tahanan o sa paaralan, malaking tulong ito sa pagtupad ng aming pandaigdigang layunin.